Tatay ng football player sa Kansas, patay sa pamamaril sa Oklahoma airport; suspek natagpuan ding patay
Nasawi sa pamamaril ang ama ng football player sa Kansas City makaraang pagbabarilin sa Oklahoma City airport na nagresulta ng lockdown sa nasabing paliparan.
Ang biktimang si Michael Winchester, 52-anyos at empleyado ng Southwest Airlines ay ama ni James Winchester na manlalaro ng Kansas City Chiefs.
Naganap ang pamamaril sa parking lot ng Will Rogers World Airport.
bagaman naisugod pa sa ospital, kalaunan ay nasawi din ang biktima.
Ayon kay Oklahoma Police Captain Paco Balderrama, matapos ang pamamaril ay natagpuan naman ang hindi pa nakikilalang suspek na wala nang buhay sa loob ng isang sasakyan.
Dahil sa nasabing insidente, sinuspinde ang lahat ng biyahe sa paliparan.
Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo sa pamamaril.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.