Mga kandidato para sa mababakanteng pwesto sa Korte Suprema, isinalang na sa public interview

By Dona Dominguez-Cargullo November 16, 2016 - 10:27 AM

Supreme Court | Inquirer File Photo
Supreme Court | Inquirer File Photo

Isinalang na ngayong araw sa public interview ng Judicial Bar Council (JBC) ang mga kandidato para sa mababakanteng pwesto bilang associate justice ng Korte Suprema.

Ang mababakanteng pwesto ay iiwan ni Associate Justice Arturo Brion na nakatakdang magretiro sa December 29, 2016.

Kabilang sa mga kandidato na nakahanay sa public interview ng JBC ay sina Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Rueda-Acosta, Rita Linda Ventura-Jimeno, Rowena Apao-Adlawan at Japar Dimaampao.

Si Acosta ang unang sumalang sa public interview at tinanong ng mga miyembro ng JBC.

Kabilang sa mga isyung naitanong kay Acosta ay ang kaniyang opinion sa Marcos burial at same-sex marriage.

Matapos ang panayam kay Acosta, sinundan naman ito ng panayam kay Jimeno at iba pang mga kandidato para sa pwesto.

 

TAGS: Associate Justice, JBC, Public interview, Supreme Court, Associate Justice, JBC, Public interview, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.