Sugatan ang isang bumbero matapos mahulog mula sa itaas na bahagi ng pader ng nasunog na warehouse sa San Franciso Del Monte sa Quezon City,
Ayon sa Quezon City Fire Department, isinugod sa Chinese General Hospital si Fire Officer 3 Arjay Mendoza.
Hindi na nagkaroon ng alarma ang sunog na naganap sa East Riverside, San Francisco Del Monte, at nagsimula alas 6:38 ng umaga.
Agad din kasi itong naapula pasado alas 7:00 ng umaga.
Ayon sa QC Fire Department, maayos naman na ang kondisyon ng nasugatang bumbero.
Matapos ang nasabing sunog, sumiklab dina ng apoy sa bahagi ng Road 4, Barangay Bagong PAGASA sa Quezon City alas 8:30 ng umaga.
Hindi na rin ito nagkaroon ng alarma at mabilis ding naapula.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.