Anim na planta sa Luzon, nagkaproblema, dahilan ng brownout kagabi
Anim na planta ang nagkaproblema, dahilan kaya nakaranas ng brownout ang malaking bahagi ng Metro Manila at mga kalapit na lalawigan kagabi.
Isang oras at dalawampung minutong nakaranas ng power interruption kagabi ang Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.
Paliwanag ng Meralco, bumagsak ang tatlong units ng Sta Rita power plant at dalawang unit ng San Lorenzo power plant.
Nagresulta ito sa pagkawala ng 526 megawatts at nagdulot ng automatic na brownout sa maraming lugar sa Luzon.
Maliban sa dalawang planta, nag-trip off din ang San Roque, QPPL, Bacman, Trans Asia at GN Power.
Nagsimula ang power interruption alas 7:30 ng gabi at naibalik sa normal ang suplay alas 8:50 ng gabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.