Ayon sa PAGASA ito ay dahil sa umiira na tail-end ng cold front sa Northern at Central Luzon.
Kamtamang pag-ulan naman at thunderstorms ang iiral sa Nueva Ecija at sa mga rehiyon ng Ilocos, Cordillera at nalalabing bahagi ng Cagayan Valley region.
Habang sa Metro Manila at sa iba pang bahagi ng bansa ay magkakaroon lamang ng isolated na pag-ulan at thunderstorms.
Ang pag-ulan naman na naranasan kahapon sa Metro Manila ay dahil din sa tail-end ng cold front.
Ayon kay PAGASA forecaster Benison Estareja, sa susunod na dalawang araw, wala pang namamataang bagyo o Low Pressure Area na maaring pumasok sa bansa.
Ngayong weekend o ‘di kaya ay sa susunod na linggo aniya ay babalik naman ang pag-iral ng Amihan.