Northern at Central Luzon, apektado ng tail-end of a cold front; Isabela at Aurora, uulanin

By Dona Dominguez-Cargullo November 16, 2016 - 06:19 AM

Makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na maaring magdulot ng flashflood at landslides ang mga lalawigan ng Aurora at Isabela.

Ayon sa PAGASA ito ay dahil sa umiira na tail-end ng cold front sa Northern at Central Luzon.

Kamtamang pag-ulan naman at thunderstorms ang iiral sa Nueva Ecija at sa mga rehiyon ng Ilocos, Cordillera at nalalabing bahagi ng Cagayan Valley region.

Habang sa Metro Manila at sa iba pang bahagi ng bansa ay magkakaroon lamang ng isolated na pag-ulan at thunderstorms.

Ang pag-ulan naman na naranasan kahapon sa Metro Manila ay dahil din sa tail-end ng cold front.

Ayon kay PAGASA forecaster Benison Estareja, sa susunod na dalawang araw, wala pang namamataang bagyo o Low Pressure Area na maaring pumasok sa bansa.

Ngayong weekend o ‘di kaya ay sa susunod na linggo aniya ay babalik naman ang pag-iral ng Amihan.

 

 

 

TAGS: Aurora, isabela, Pagasa, tail-end of cold front, weather news, weather update, Aurora, isabela, Pagasa, tail-end of cold front, weather news, weather update

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.