Salvage victim natagpuan sa Pasay; isa pang biktima patay naman sa pamamaril

By Jong Manlapaz November 16, 2016 - 04:39 AM

 

Kuha ni Jong Manlapaz

Pauwi na sana ng bahay si alyas ‘Poleng’ galing ng panata sa simbahan, nang dumaan siya sa madilim na bahagi ng Park Ave., Brgy. 75 zone 20, Pasay City bandang 11:00 PM.

Dito may napansin siya ng isang tao na nakahiga sa kalsada, pero ng malapitan na niya ito nakumpirma niya na bangkay pala ng isang lalaki at may balot ng packaging tape ang mukha at tinalian ang mga kamay.

Sa takot sa nakita dalidali siyang tumakbo sa barangay hall ng Brgy. 80 na nakakasakop din sa kalsada ng Park Ave., para ipagbigay alam ang nakita.

Base imbestigasyon ng SOCO ang lalaki ay nasa edad na 50 taong gulang pataas at nagtamo ng saksak ng ice pick sa kaliwang bahagi ng leeg at sa kanyang tabi nakita ang isang reading glass.

Ayon sa imbestigador na si PO2 Noel Burden, posibleng sa ibang lugar pinatay ang biktima dahil walang palatandaan na pinatay ito sa lugar.

Samantala, patay rin ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Taft Avenue Brgy. 33 Zone 3, Pasay City pasado ala 7:00 kagabi.

Naka-istambay lang daw sa lugar ang biktimang si Aniceto Ibañez Jr. alyas Gigi nang lapitan ito ng dalawang lalaki at pagbabarilin hanggang sa masawi.

Pahayag ni Barangay Chairman Arvin Amistoso, kilalang ‘runner’ ng illegal na droga si Ibañez sa kanilang lugar.

Matagal na daw na pinasusuko sa Oplan Tokhang si Ibañez ngunit tumanggi ito.

Narekober sa crime scene ang siyam na basyo ng bala ng hindi pa matukoy na kalibre ng baril.

Patuloy pa ang imbstigasyon ng pulisya hinggil sa naturang pamamaril.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.