Bataan Nuclear Power Plant, delikadong buksan ayon sa isang siyentipiko

Bataan-Nuclear-Power-Plant (1)Isang aktibong earthquake fault sa Pampanga na tumatagos sa Natib volcano ang kinalalagyan ng Bataan Nuclear Power Plant (NBPP).

Ito ayon sa geologist na si Kelvin Rodolfo ay isang tiyak na dahilan kung bakit dapat itigil ng administrasyong Duterte ang planong pagbubukas sa BNPP.

Matapos ang pagbibigay ng go signal ni Pangulong Rodrigo Duterte na muling buksan ang BNPP sa Morong, Bataan, nagbigay si Rodolfo ng updated na scientific review na may kaugnayan sa planong ito.

Sa paper na isinulat nila Rodolfo, Professor Fernando Siringan at kaniyang mga estudyante na Geological Hazards of the Bataan Nuclear Plant: Propaganda and Scientific Fact,” una nilang napansin ang Lubao Fault noon pang 1997.

Ayon kay Rodolfo, maraming episentro ng lindol ang naitala sa Lubao fault na kapag nagpatuloy ay didiretso sa Napot Point.

Batay rin sa datos ng US Geological Survey National Earthquake Information Center, maraming lindol na rin ang naitala sa Mt. Natib mula 1951 hanggang 2016.

Nabanggit rin ni Rodolfo na isang grupo ng mga siyentipiko na pinamumunuan ni professor Mahar Lagmay ang gumamit ng “sophisticated sattelite data” na nagpapakita na aktibo ang fault na ito ang ang northwest side nito ay gumagalaw unti-unti pa-timog.

Napagalaman rin ng grupo na ang mga bato sa Napot Point ay pawang mga deposits ng pyroclastic flows at lahar, na nagpapatunay sa pagiging susceptible ng BNPP sa anumang volcanic hazards.

Nagsimula na rin aniyang ma-deform ang mga bato na ito dahil sa faulting.

Kailangan rin aniyang matuto ang Pilipinas sa trahedyang nangyari sa Fukushima, Japan.

Aniya, kung ang maunlad at maingat na bansa tulad ng Japan nga ay pumalya sa aspetong ito, mas magiging delikado ito para sa Pilipinas.

Read more...