Ayon sa statement mula sa presidential center sa Batac City kung saan lumaki si Marcos, sisimulan ang ‘lualo’ o ‘prayers for the dead’ sa naturang lungsod ngayong araw, Miyerkules.
Magsisimula ang ‘novena’ ng alas 3:00 ng hapon na pangungunahan ni Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos at kapatid ng yumaong pangulo na si Fortuna Marcos-Barba.
Susundan ito ang misa dakong alas 4:00 ng hapon.
Ang susunod na mga novena ay gaganapin sa Sarrat, Ilocos Norte kung saan ipinanganak ang dating pangulo, Dingras, Vintar, Bacarra, Laoag City, Badoc at Paoay.
Ang huling ‘lualo’ ay gaganapin naman muli sa Batac sa November 24.
Sa kasalukuyan, wala pang anunsyo kung kailan ang pormal na paghahatid sa LIbingan ng mga Bayani ng mga labi ni dating pangulong Marcos.