National ID system, muling isinusulong sa Kamara

By Isa Avendaño-Umali November 16, 2016 - 04:38 AM

senior citizensMuling binuhay ni House Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang National ID System Bill ngayong 17th Congress.

Sa House Bill 696, sinabi ni Arroyo na marapat na magkaroon na lamang ng iisang ID ang mga Pilipino sa ilalim ng Filipino Identification System para consolidated na rito ang lahat ng iniisyung ID’s ng mga tanggapan ng gobyerno.

Naniniwala si CGMA na kung maisasakatuparan ang ganitong sistema ay magiging simple ang lahat ng transaksiyon sa bansa.

Sa oras na maisabatas ang panukala, ang mga Pinoy na nandito sa Pilipinas o nasa abroad ay mabibigyan ng ID na tatawaging Filipino ID card.

Kailangang i-apply ito sa registrar’s office sa lugar kung saan residente ang isang indibidwal pero kung ang Pilipino ay nasa abroad, ito ay mag-aaply sa embassy o consular office.

Para naman sa bagong luwal na sanggol, mailalabas ang ID nito sa loob ng siyamnapung araw matapos maipanganak.

Dapat ding matiyak na tamper-proof ang Filipino ID at confidential ang personal data na laman nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.