Panelo kay De Lima matapos ang pag-amin nito: “Mag-resign ka na”

By Chona Yu November 16, 2016 - 04:42 AM

 

panelo-delima-620x310“Mag-resign ka na.”

Ito ang naging payo ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo kay Senador Leila de Lima matapos aminin ang relasyon nito sa kanyang dating driver at bodyguard na si Ronnie Dayan.

Ayon kay Panelo, pinatunayan lamang ni De Lima na tama ang naging alegasyon ng pangulong Rodrigo Duterte  na sangkot ito sa imoralidad.

Sinabi pa ni Panelo na sa pag-amin ni De Lima, binuksan nito ang isang kasong kriminal dahil sa pakiki-apid sa isang lalaking may asawa.

Ayon pa kay Panelo, isang basehan na ito para mapatalsik si De Lima sa senado partikular ng senate ethics committee dahil sa isyu ng  imoralidad at grave misconduct  in office.

Pwede rin aniya itong pagmulan ng disbarment proceedings laban sa senadora bilang miembro ng bar.

Kaya payo ni Panelo kay De Lima, mag-resign na lamang para mailigtas nito sa ibayo pang kahihiyan ang senado bilang institusyon.

Iginiit din ni Panelo ang pag-amin na ito ni De Lima sa kaugnayan niya kay Dayan ay nagpalakas lamang sa kasong kinakaharap nito kaugnay ng pagkakasangkot niya sa operasyon ng iligal na droga sa bansa.

Malinaw din aniya itong patunay ng pagsisinungaling ni de lima sa mga nauna na nitong tangkang pagtatakip sa sarili at pagsasabing inosente siya at biktima lamang ng public persecution.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.