Robin Padilla, binigyan ng ‘absolute pardon’ ni Pres. Duterte

 

Malacañang photo

Ginawaran ng ‘absolute pardon’ ni Pangulong Rodrigo Duterte ang aktor na si Robin Padilla.

Ang hakbang ng pangulo ay bilang pagtugon sa rekomendasyon ng Board of Pardons and Parole na nasa ilalim ng Department of Justice.

Malacañang photo

“I just granted the pardon in favor of Robin Padilla kasi yung original pardon niya hindi sinali yung full restoration ng political and civil rights, and therefore he could not travel, he could not get a permit whatever it is to possess a gun again. I really do not know the dimension of what is meant by deprivation of political and civil rights. But one thing is that he cannot vote, he cannot travel and therefore he could not be issued a passport,” dagdag ng pangulo.

Malacañang photo

“Basta yung pardon ko, full restoration of all of his civil and political rights.”

Depensa pa ng pangulo, wala namang nasaktan sa krimen na ginawa ni Padilla nang mahuli ito.

Si Padilla ay nakulong sa kasong illegal possession of firearms and ammunition noong 1994.

Taong 1998, ginawaran ito ng pardon ni dating Pangulong Fidel Ramos at napalaya mula sa Bilibid bagama’t hindi ito‘absolute’ .

Dahil sa absolute pardon na ibinigay kay Padilla, inaasahang maibabalik ang mga karapatang sibil nito, kabilang na ang karapatang makabyaheng muli at maisyuhan ng Philippine passport at magmay-ari ng armas.

Maari na rin itong makatakbo sa anumang posisyon sa gobyerno o di kaya ay ma-appoint sa alinmang posisyon sa pamahalaan.

Hanggang sa kasalukuyan, bigo si Padilla na makabiyahe sa Amerika upang bisitahin ang kanyang misis na si Mariel Padilla na nanganak na kamakailan.

Read more...