Iba’t ibang uri ng baril, nakumpiska sa raid sa Bilibid

By Erwin Aguilon November 15, 2016 - 10:56 PM

 

Kuha ni Erwin Aguilon

Aabot sa 20 iba’t ibang uri ng baril ang nakumpiska ng mga tauhan ng Special Action Force ng PNP sa Maximum Security Compound ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Ayon kay Bureau of Corrections Officer in Charge Rolando Asuncion, ang nasabing mga baril ay narecover nila mula November 9 hanggang 14.

Sa mga nakuhang baril meron anyang mga nahukay at ang iba naman ay isinuko sa kanila.

Nakalagay sa container na lalagyan ng pintura ang mga nahukay na baril ang iba naman ay isinimento sa pader na natunton ng mga tauhan ng SAF matapos ituro ng mga inmates.

Sa nasabing petsa kabilang sa mga nakumpiska ang pitong caliber .45, isang Ingram, tatlong caliber .9mm, isang caliber 25, isang caliber .22, dalawang shotgun at limang sumpak.

Ang mga nasabing baril ayon sa opisyal ay mga naipasok sa bilibid bago pa magbantay ang mga tauhan ng SAF.

Sinabi ni Supt. James, battalion commander ng PNP-SAF na nagbabantay sa bilibid na napansin nila na pinaglipat-lipat ng mga inmates ang taguan ng kanilang mga baril dahil sa kung saan nakita ang mga nakuhang baril ay dati na nilang na-inspection at wala silang nakita subalit ng muling galugarin nakuha ang mga baril at bala na puno ng mga bala.

Sinabi ni Asuncion na kinausap niya ang mga asawa ng mga high-profile inmates na nakakulong sa Bldg. 14 na nahikayatin ang mga at ang iba’t-ibang grupo na nakakulong dito sa Maximum Security Compound na mag-surrender ng mga baril at ang maraming mabibigay sa kanila ay bibigyan ng pagkakataon na magkaroon ng conjugal visit sa buwan ng Disyembre.

Naniniwala si Asuncion na nasa 80 porsyento na ng mga baril ang nakumpiska nila sa Maximum Security Compound.

Mula ng magbantay ang SAF sa bilibid aabot na sa 54 na mga baril, tatlong granada at 7864 na mga bala ang nakumpiska sa bilibid.

Samantala aabot na sa 2,200 na mga cellphone at labindalawang sako ng mga patalim ang nakumpiska ng mga tauhan ng SAF sa maximum security compound at Bldg. 14 ng Bilibid. Sa ngayon may 16,000 na mga inmates ang nakakulong sa maximum security compound habang mayroon namang 54 na nakakulong sa Bldg. 14.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.