E-presyo sagot ng DTI sa mga mapagsamantalang negosyante

DTI price
Inquirer file photo

Muling hinikayat ng Department of Trade and Industry (DTI) ang publiko na silipin muna ang presyo ng mga bilihin sa “e-presyo”, ang kanilang Online Price Monitoring System (OPMS) bago mamili sa mga groceries lalo na ngayong papalapit na ang kapaskuhan.

Sa harap ito ng inaasahang maagang pamimili ng mga tao para sa nalalapit na noche buena sa pasko.

Ayon sa DTI, pwedeng ma-check ng mga consumers sa e-presyo ang mha umiiral na halaga ng mga tinatawag na basic at prime commodities.

Nagsisilbi din itong price guide para sa mga mamimili na may balak na mag-grocery para matiyak ang value for your money sa bawat produktong bibilhin.

Nauna dito ay nagbigay rin ng babala ang DTI sa mga sub-standards na electronic products na inaasahang bubuhos sa mga pamilihan para sa kapaskuhan.

Sa kanilang advisory, ipinaliwanag ng DTI na mahalagang tingnan maige ang kalidad ng bawat produkto bukod pa sa pagtingin kung dumaan ito sa inspeksyon ng Bureau of Product Standards sa pamamagitan ng mga stickers ng ahensya.

Read more...