Mga TNT sa U.S binalaan ng DFA na paghandaan ang pag-upo ni Trump

By Den Macaranas November 15, 2016 - 04:10 PM

dfa
Inquirer file photo

Aminado ang Department of Foreign Affairs na may ilang mga Pino yang iligal na naninirahan sa U.S o yung mga tinatawag na tago-ng-tago o TNT.

Sa panayam sinabi ni Foreign Affairs Spokesman Asec. Charles Jose na kasama ang mga ito sa halos ay tatlong milyong mga illegal immigrants sa Amerika na target ipadeport ni President-elect Donald Trump sa pag-upo nito sa pwesto sa January, 2017.

Sinabi ni Jose na halos ay nasa apat na milyon na ang bilang ng mga Pinoy na nakatira sa U.S.

Karamihan sa mga ito ay pawang mga legal residents o kaya ay American citizens na rin.

Ang mga tatamaan lamang ng crackdown ayon sa opisyal ay iyung mga nakatira sa U.S ng walang kaululang mga dokumento o kaya ay sangkot sa iba’t ibang uri ng krimen base na rin sa mga inihayag ni Trump noong panahon ng kampanya.

Payo ng opisyal sa mga TNT sa U.S ay maghanda na habang hindi na umuupo sa pwesto ang bagong halal na American president.

TAGS: DFA, donald trump, Jose, TNT, U.S, DFA, donald trump, Jose, TNT, U.S

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.