P1 Million patong sa ulo ni Ronnie Dayan

By Angellic Jordan November 15, 2016 - 03:08 PM

Ronnie Dayan wanted1
Photo: Angellic Jordan

Mula sa dating P100,000 ay itinaas na sa P1 Million ang kabuuang reward money sa kung sinumang tao ang makakapagturo sa kinaroroonan ng dating driver/lover ni Senadora Leila De Lima na si Ronnie Dayan.

Iniharap sa mga miyembro ng media nina Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) founding chairman Dante Jimenez at Atty. Ferdinand Topacio ang isang kahon kung saan laman ang sampung bundle na tig-isang daang libong piso bilang patunay na handa na ito sa makakatulong sa pagdakip kay Dayan.

Ayon kay Topacio, ang nabuong pabuya ay hindi galing sa pondo ng VACC kundi galing sa tulong ng mga pitong pribadong kaibigan nito base sa aniya’y naging casual talk noong November 13, 2016, araw ng Linggo.

Kumpiyansa rin ang VACC na hindi iligal ang nabuong pabuya para kay Dayan.

Paliwanag pa ni Topacio, naniniwala ito na hindi pa nakakalabas ng bansa si Dayan dahil walang itong immigration record.

Giit pa ni Topacio, maari din aniyang alam ni De Lima kung saan nagtatago ang dating kasintahan kung saan maari siyang sampahan ng obstruction of justice bilang isang “acccessory” sa krimen kung mapapatunayan ito.

Samantala, magkakaroon naman ng direct hotline ang Criminal Investigation and Detection Group ng Philippine National Police para sa kung sinuman ang makakapagbigay ng impormasyon kay Dayan.

TAGS: de lima, reward, ronnie dayan, vacc, de lima, reward, ronnie dayan, vacc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.