Bagyong Hanna, humina nang pumasok na sa PAR – PAGASA

12nn hannaHumina ang bagyong Hanna matapos itong pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) kaninang umaga.

Sa weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang bagyo sa layong 1,380 kilometers Silangang bahagi ng Calayan, Cagayan.

Taglay na lamang nito ngayon ang lakas ng hanging aabot sa 195kph at pagbugsong aabot sa 230kph. Nasa 20kph pa rin ang bilis ng kilos nito sa direksyong West Northwest.

Ayon sa PAGASA, ang mga lugar na sakop ng 600 diameters ng bagyo ay makararanas na ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan.

Pinapayuhan ang mga mangingisda na huwag na lamang munang pumalaot dahil sa maalong baybayin sa karagatan sa Visayas at Mindanao.

Bukas ng umaga ay inaasahang lalapit pa ng Calayan, Cagayan at Itbayat, Batanes ang bagyo.

Una nang sinabi ng PAGASA na hindi tatama sa kalupaan ng Pilipinas ang bagyong Hanna pero hahatakin nito ang Habagat na maghahatid ng pag-ulan sa halos buong bansa./ Dona Dominguez-Cargullo

Read more...