Bomb maker ng BIFF, patay sa engkwentro sa North Cotabato

By Rohanisa Abbas November 15, 2016 - 12:28 PM

north cotabatoNapatay ng mga tauhan ng 602nd Brigade ng Philippine Army (PA) ang wanted bomber sa Matalam, North Cotabato.

Ang suspek na si Mohammad Nor Hassan. bomb maker at miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ay sangkot sa ilang pambobomba sa Mindanao sa nakalipas na tatlong taon.

Ayon sa commander ng 602nd Brigade na si Col. Nolly Samarita, aarestuhin dapat ng mga sundalo si Hassan ngunit nalaban ito.

Kabilang ang suspek sa grupong naturuang gumawa ng bomba ng napatay na Malaysain terrorist na si Zulkifli bin Hir, alyas Marwan.

Si Hassan ay may patong sa ulong P1.2 milyon.

Ayon kay Lt. Col. Markton Abo, ang pabuya ay mapupunta sa lokal na pamahalaan ng Matalam at mga komander ng Moro Islamic Liberation Front na nagbigay-alam sa mga otoridad ng eksaktong lokasyon ng suspek.

 

 

 

TAGS: bangsamoro islamic freedom fighters, BIFF, bomb maker, North Cotabato, bangsamoro islamic freedom fighters, BIFF, bomb maker, North Cotabato

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.