Pamilyang sangkot sa P5B money laundering mula sa Visayas

By Dona Dominguez-Cargullo November 15, 2016 - 10:12 AM

moneyIsang pamilya na mula sa Visayas ang pinatutungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa P5.1 billion money laundering.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre II, sinabi nito na ang pamilyang tinutukoy ni Duterte ay isang pamilya ng drug lord.

“Isang family ito ng drug lord, talagang hindi ka makakapaniwala taga-Visayas po,” ani Aguirre.

Ang perang sangkot aniya sa money laundering ng hindi tinukoy na pamilya ay kita mula sa transaksyon ng ilegal na droga.

Ang nasabing pamilya ay binanggit ni Pangulong Duterte sa kaniyang talumpati sa NBI anniversary kahapon.

Ayon sa pangulo, nagawa ng pamilyang ito na makapagtayo ng korporasyon para makapag-launder ng drug money.

“Just recently, we’re digging into the records of the case and he has (formed) not really a fake corporation, but a set-up just to launder (drug) money,” he said. “To date, we have the accounting of P5.1 billion (of) one family.” Ayon kay Duterte.

Dahil kahapon lamang ibinunyag ni Duterte ang nasabing impormasyon, sinabi ni Aguirre na hindi pa nila nakukuha mula sa AMLC ang account details ng nasabing pamilya.

 

 

TAGS: breaking news, drugs, family of drug lord, Money-Laundering, Rodrigo Duterte, Visayas, breaking news, drugs, family of drug lord, Money-Laundering, Rodrigo Duterte, Visayas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.