Mainit na hangin galing silangan ang umiiral sa bansa; Amihan babalik sa weekend ayon sa PAGASA

By Dona Dominguez-Cargullo November 15, 2016 - 07:05 AM

Uminit muli ng bahagya ang panahon sa malaking bahagi ng bansa dahil sa easterlies o mainit na hangin na nagmumula sa silangang bahagi ng bansa.

Ayon sa PAGASA, ang easterlies ang nakaaapekto sa eastern section ng Pilipinas.

Dahil dito, nabawasan ang lamig na naranasan nitong nagdaang mga araw.

Kahapon, umabot muli sa 32.8 degrees Celsius ang pinakamainit na temperatura sa Metro Manila habang 25.6 degrees Celsius ang naitalang pinakamababang temperatura.

Sinabi naman ni PAGASA forecaster Benison Estareja na sa weekend ay inaasahan nilang babalik ang amihan at magtutuloy-tuloy na ang malamig na panahon.

Samantala, ngayong araw, bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin lamang ang mararanasan sa buong bansa at mayroong isolated rainshowers o thunderstorms partikular sa eastern section ng Pilipinas.

TAGS: amihan, easterlies, Pagasa, weather update, amihan, easterlies, Pagasa, weather update

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.