Sen. De Lima, umamin na sa isyu nila ng dating driver/bodyguard

By Jay Dones, Rachel Cabrera November 15, 2016 - 04:39 AM

 

de lima dayanKinumpirma na ni Senador Leila de Lima ang matagal na bulung-bulungan patungkol sa pakikipagrelasyon nito sa kanyang dating driver na si Ronnie Dayan.

Sa isang interview sa senador ni Winnie Monsod ng GMA-7, tinanong ito kung bakit na-inlove ang senadora sa kanyang driver.

Sagot ni De Lima, naging bahagi lamang ito ng kanyang pagiging ‘marupok’ bilang isang babae o “frailties as a woman”.

Dagdag ng senadora, naging masyado silang malapit ni Dayan kaya’t nagawa niya itong mapagkatiwalaan ng lubos.

“We became so close. I trusted him. Siyempre, naano po ang loob ko.” Dagdag ng senadora.

Ang relasyon umano ni De Lima kay Dayan ay nagtagal ng ilang taon, ngunit nakipaghiwalay din ito bago siya tumakbo bilang senadora.

Matatandaang inaakusahan ni Pangulong Rodrigo Duterte si De Lima, sa pakikipagrelasyon nito sa kanyang ex-driver na si Dayan.

Si Dayan ang inaakusahang ng ilang witness na humarap sa congressional hearing na nagsilbi umanong tagapamagitan sa pagitan ni De Lima at mga sangkot sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison na mariing itinatanggi ng senadora.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.