Kamara, hindi magiging rubber stamp ni Pres. Duterte sa isyu ng habeas corpus suspension

 

Tiniyak ng Liderato ng Kamara na hindi magiging rubber stamp ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kapulungan sa usapin ng suspensyon ng wirit of habeas corpus.

Ito’y kasunod ng palutang ng presidente na posibleng suspendihin ang wirit of habeas corpus, na nagdulot ng pangamba at kritisismo mula sa publiko.

Paliwanag ni House Speaker Pantaleon Alvarez, ang anumang magiging hakbang ng Kamara ay depende kung makukumbinsi ng Ehekutibo ang mga mambabatas na kinakailangan talaga ng pagsuspinde sa writ of habeas corpus.

Aminado rin si Alvarez na kahit ang mayorya sa Lower House ay kaalyado ni Pangulong Duterte, walang kasiguraduhan na makakalusot ang suspensyon ng writ of habeas corpus, lalo kung wala namang mabigat na pangangailangan o rason.

Tumanggi naman ang Speaker na magbigay ng personal na posisyon kung may basehan ba ang writ of habeas corpus suspension.

Sa kabila nito, umapela si Alvarez na mas mainam na hintayin muna ng lahat kung itutuloy ba o hindi ng presidente ang pinalutang nito.

Read more...