Cocaine tinangkang ipuslit sa NAIA bilang chocolate
Dinakip ng mga tauhan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang Malaysian makaraang makuha sa bagahe nito ang nasa 4.6 na kilo ng high grade cocaine habang papasok ng bansa.
Nakilala ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group ang inarestong suspek na si Nasiruddin Bin Mohammad Hasnan, 22 anyos.
Lumapag ang eroplano ni Hasnan sa NAIA Terminal 1 at namataan ito agad ng mga tauhan ng Task Group.
Sa pag-iinspeksyon sa gamit ng Malaysian, nakuha sa gamit nito ang siyam na lata na naglalaman ng 216 na piraso ng mga chocolate.
Nang siyasatin, natukoy na naglalaman ang naturang mga tsokolate ng ng high-grade cocaine na umaabot sa milyun-milyong piso ang halaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.