Halaga ng piso, bumulusok sa ₱49 kontra $1

By Jay Dones November 15, 2016 - 03:19 AM

peso-dollar_inq-300x235Tuluyan nang bumulusok ang halaga ng piso kontra dolyar sa pinakamababa nitong antas sa loob ng walong taon.

Ayon sa Philippine Dealing System kahapon, naitala ang halaga ng piso sa 49 pesos kada isang dolyar.

Nagbukas ang palitan sa halagang 49 pesos kada dolyar (P49 to $1) at umabot sa pinakamababang trading na 49.2 pesos bawat dolyar (P49.2 to $1) bago nagsara sa 49.01 to 1 (P49 to $1).

Bumaba rin ang total volume ng trading sa $661.85 million mula sa $707.5 million noong nakaraang Byernes.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ang pagbagsak ng halaga ng piso ay dahil sa patuloy na paglakas ng dolyar dahil sa mga inaasahang ilalatag na polisiya ng susunod na Trump administration.

December 4, 2008 nang huling bumulusok sa 49 level ang piso sa kasagsagan ng global financial crisis.

TAGS: dollar, exchange, PESO, dollar, exchange, PESO

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.