PAGASA, humingi ng apology mula sa mga producers ng “Goin’ Bulilit” ng ABS-CBN

 

Inquirer file photo

Pumalag ang samahan ng mga weather forecaster ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration o PAGASA dahil sa isang segment ng comedy show na ‘Goin’ Bulilit’ sa ABS-CBN matapos sila umanong maliitin sa naturang isang segment ng naturang palabas sa TV.

Humihingi ng public apology ang Philippine Weathermen Employees Association (PWEA) sa mga producer ng naturang gag show na pinagbibidahan ng mga bata dahil umano sa nakaiinsultong bahagi ng kanilang November 13, episode.

Sa nasabing episode, binigyan ng pagkakataon ang ilang mga bata na ipaliwanag ang ibig sabihin ng ilang acronym ng ilang mga ahensya ng gobyerno.

Nang matanong ang ibig sabihin ng acronym ng PAGASA, isang bata ang tumayo at nagsabing ang acronym na PAGASA ay nangangahulugan ng mga katagang “PAlaging Guess At ‘Lang Saktong Announcement”.

Paliwanag ni Ramon Agustin, president ng PWEA, mistulang sinira ng naturang segment ang reputasyon ng PAGASA at inilalagay pa sa alanganin ang tiwala ng publiko sa ahensya.

Nasaktan aniya ang marami nilang kasamahan sa naturang punchlinw dahil sinisikap aniya ng kawanihan na maihatid ang pinakaeksaktong impormasyon kaugnay sa lagay ng panahon sa taumbayan.

Bilang katunayan aniya ng kanilang dedikasyon sa trabaho na maihatid ang impormasyon sa publiko, dalawang magkasunod na taon na ginawaran bilang top-performing agency ang PAGASA ng Makati Business Club noong 2014 at 2015.

Read more...