Pamilyang sangkot sa P5.1-B ‘laundered money’ pinabubusisi ni Pres. Duterte

By Chona Yu November 15, 2016 - 04:42 AM

Duterte NBIPinaiimbestigahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kinauukulan ang isang tao na umanoy sangkot sa ilegal na droga na ‘nag-launder’ ng pera ng aabot sa 5.1 bilyong piso.

Sa talumpati ng pangulo sa anibersaryo ng National Bureau of Investigation, sinabi ng Chief Executive na isang pamilya ang sangkot dito na gumagamit ng pekeng korporasyon.

Gayunman, hindi na pinangalanan ng pangulo kung sino ang mga ito na sangkot sa money laundering.

Samantala, dismayado ang pangulo sa kabiguan ng NBI at sa Anti- Money Laundering Council (AMLC) na imbestigahan siya nang ibunyag noong panahon ng kampanya na mayroon umano siyang 211 milyong pisong pera na nakatago sa ibat-ibang bank account.

Hamon ng pangulo sa NBI at AMLC, magtungo sa kalihim ng Department of Justice para magpaliwanag dahil kung hindi ay sila ang hahabulin ng pangulo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.