‘Supermoon’ sa iba’t ibang panig ng Pilipinas at mundo
Sinulit ng maraming Pinoy ang magandang panahon upang saksihan sa iba’t ibang panig ng bansa ang kakaibang ‘supermoon’ na nasaksihan sa malaking bahagi ng mundo ngayong gabi.
Nakisama ang panahon sa malaking bahagi ng bansa kaya’t nakita ng milyun-milyong Pinoy ang kakaibang ‘phenomenon’.
Ang ‘supermoon’ ay nagaganap sa tuwing sumasapit sa kanyang ‘perigee’ ang buwan o ang punto kung kailan ito pinakamalapit sa mundo o ‘earth’.
Ngayong gabi, mistulang ‘pumila’ o nag-align ang mundo, ang buwan at ang araw o tinatawag na ‘syzygy’.
Kanina, sa pagitan ng alas 7:21 ng gabi, hanggang alas 9:52, nasaksihan ng publiko ang pinakamaningning na buwan sa nakalipas na mahigit animnapung taon.
Taong 1948 nang huling maitala ang paglapit ng buwan sa mundo.
Muli lamang lalapit ang buwan sa mundo sa taong 2034.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.