Convoy ng militar sa Sulu pinasabugan

By Erwin Aguilon November 14, 2016 - 09:22 PM

patikul-map

Pinasabugan ng improvised explosive device ang isang convoy ng militar sa Patikul, Sulu.

Ayon sa inisyal na impormasyon binabagtas ng convoy ng 63rd Infantry Batallion ng Philippine Army ang Danag-Latih Road sa Sitio Bwahan bwahan, Patikul, Sulu ng maganap ang pagpapasabog.

Nabatid na matapos makalagpas ang huling sasakyan na kasama sa convoy dakong 7:00 ng gabi ng sumabog ang IED.

Pabalik na ang mga tauhan ng 63rd IB sa Camp Teodolfo Bautista sa Jolo, Sulu matapos ihatid ang iba pang tropa na magsasagawa ng operasyon laban sa bandidong Abu Sayyaf Group ng maganap ang pambobomba.

Inilagay ang IED sa gilid ng nasabing highway.

Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi sa panibago na namang pagpapasabog ng IED sa sasakyan ng militar.

TAGS: IED, Philippine Army, Sulu, IED, Philippine Army, Sulu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.