Pagbili ng PNP ng 26,000 M4 rifles sa U.S tuloy na

By Den Macaranas, Ruel Perez November 14, 2016 - 03:11 PM

Dela Rosa Crame1
Photo: Ruel Perez

Kinumpirma ni Philippine National Police Chief, Director General Ronald Dela Rosa na tuloy ang pagbili ng PNP ng 26,000 piraso ng M4 rifles sa U.S.

Sa ginanap na press conference sa Camp Crame kaninang umaga, sinabi ni Dela Rosa na personal silang nag-usap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nasabing isyu ibinalita umano niya sa pangulo na wala namang problema sa pagbili ng naturang mga armas.

Sinabi ng PNP Chief na inaayos na ngayon ang dokumento ng mga M4 rifles na galing sa Sig Sauer GmbH of Germany, na may U.S operation na naka-base sa Newington, New Hampshire.

Ipinaliwanag rin ni Dela Rosa na kailangan ang nasabing mga baril hindi lamang sa kampanya ng pulisya laban sa mga sindikato ng droga kundi sa pagpapanatili ng kaayusan sa bansa.

Nauna dito ay sinabi ni U.S Senator Ben Cardin na haharangin niya ang nasabing gun deal dahil sa mga kaso ng human rights violations ng Duterte administration.

TAGS: dela rosa, duterte, m4, PNP, sig sauer, dela rosa, duterte, m4, PNP, sig sauer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.