4 sundalo sugatan sa pagsabog sa Lamitan

lamitan bsilanSugatan ang apat na sundalo matapos sumabog ang isang improvised explosive device (IED) sa Lamitan City sa lalawigan ng Basilan.

Ayon kay Major Filemon Tan Jr., tagapagsalita ng Western Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines (AFP), nagsasagaw ang foot patrol ang mga myembro ng 14th Scout Ranger Coy sa Barangay Sabong nang maganap ang pagsabog.

Ang Barangay Sabong ay may layo lamang na limang kilometro sa sentro ng Lamitan City

Ang insidente ay naganap alas-9:15 ng umaga kanina, araw ng Lunes.

Agad namang nagpadala ng reinforcement ang 3rd Scout Ranger Battalion at iniligtas ang mga sugatang sundalo.

Isinugod sila sa Lamitan Hospital at kalaunan ay dinala sa military hospital sa Zamboanga City.

 

 

 

 

Read more...