Mga kumpanya ng langis, nag-anunsyo na ng oil price rollback para bukas
Inanusyo na ng mga kumpanya ng langis ang halaga ng ipatutupad nilang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo bukas.
Unang magpapatupad ng rollback na P0.65 sa kada litro ng gasolina at diesel at P0.55 sa kada litor ng kerosene ang kumpanyang Flying V at ang Sea Oil, epektibo alas 12:01 ng madaling araw bukas, November 15.
Parehong rollback din ang ipatutupad ng mga kumpanyang Phoenix, Eastern, PTT, Jetti at Shell sa kanilang mga produkto epektibo naman alas 6:00 ng umaga.
Ngayong maghapon, inaasahang mag-aanunsyo ng kanilang rollback ang iba pang mga kumpanya ng langis.
Noong nakaraang Martes, November 8, nagpatupad din ng rollback ang mga kumpanya ng langis sa halagang P0.65 sa kada litro ng gasolina, P1.00 sa kada litro ng diesel at P1.20 sa kada litro ng kerosene.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.