Panukalang ilipat ang sentro ng gobyerno sa Clark, Pampanga, kinatigan ng ilang cabinet officials

By Isa Avendaño-Umali November 14, 2016 - 12:20 PM

INQUIRER FILE PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA
INQUIRER FILE PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA

Kinakatigan ng ilang opisyal ng Duterte administration ang panukalang ilipat sa labas ng Metro Manila ang sentro ng gobyerno o ilang kagawaran para maisulong na ang decongestion sa kalakhang Maynila.

Ang decongestion ay isa raw sa mga epektibong paraan para malutas ang problema sa trapiko sa Metro Manila pati na ang squatting.

Sinabi ni House Committee on Housing Chairman Albee Benitez na nakipag-usap na siya kay Finance Secretary Carlos Dominguez III kaugnay ng kanyang Urban Renewal Bill at kinakatigan ito ng kalihim.

Nakonsulta na rin ni Benitez si Vice President Leni Robredo kaugnay nito at sumang-ayon naman ang opisyal bagamat may ilang reservation.

Sa ilalim ng panukala ni Benitez, ang sentro ng gobyerno o ilang kagawaran ay maililipat sa Clark, Pampanga kung saan may nakatenggang malawak na lupain ang pamahalaan.

Inamin naman ng kongresista na isa sa mabigat na isyu dito ay kung saan kukuha ng pondo para tustusan ang paglilipat ang government center sa Clark.

Pero maaari aniyang pagkakitaan ng pamahalaan ang pag-aaring lupain nito na pwedeng itustos sa programang ito pati na sa pagtatayo ng socialized housing units para sa informal settler families.

 

TAGS: Clark Pampanga', Metro Manila traffic, traffic, traffic solution, Clark Pampanga', Metro Manila traffic, traffic, traffic solution

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.