Sa unang araw ng striktong pagpapatupad ng motorcycle lane, asul na linya sa EDSA, halos burado na

Abiso ng MMDA sa motorcycle lane
Abiso ng MMDA sa motorcycle lane

Sa mahigpit na pagpapatupad ng motorcycle lane mga pangunahing lansangan sa Metro Manila, ngayong araw, marami pa ring motorcycle rider ang nagpapasaway.

Sa bahagi ng EDSA SB lane, palipat-lipat pa rin ng linya ang mga motorsiklo ngayong strikto nang ipinatutupad ang motorcycle lane.

Kapansin-pansin naman na malabo na ang asul na guhit na palatandaan para sa motorcycle lane sa SB lane ng EDSA from Ortigas to Boni Ave.

Simula ngayong araw, istrikto nang ipatutupad ng MMDA ang motorcycle lane policy sa EDSA, C5, Macapagal Avenue at Commonwealth Avenue.

Limangdaang piso ang multa sa mga lalabag sa motorcycle lane policy, at kung makaapat na beses na paglabag ay maari nang makulong ang rider ng hanggang anim na buwan.

Ayon kay MMDA General Manager Tim Orbos, maliban sa motorcycle lane, mahigpit ding ipatutupad ang iba pang pagbabawal sa para sa mga motorcycle riders, gaya ng no helmet no travel policy, bawal ang naka shorts at naka-tsinelas, at bawal ang pag-aangkas ng bata.

 

Read more...