Dalawa ang patay sa pitong oras na sunog sa Mandaluyong City
(UPDATE) Dalawa ang nasawi sa sunog na naganap sa Barangay Addition Hills sa Mandaluyong City.
Isa sa mga nasawi ay kinilalang si Wilma Laureno, 26-anyos na natagpuan sa nasunog na bahay ng kanyang kaanak kung saan siya nakikita.
Inaalam pa ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection ang pagkakakilanlan ng isa pang biktima.
Pero isang pitong taong gulang na bata ang naunang napaulat na nawawala at ‘di matagpuan ng kaniyang pamilya matapos ang sunog.
Ang nasabing sunog sa Blk. 35, Barangay Addition Hills ay umabot ng pitong oras at nasa isang libong pamilya ang nawalan ng tirahan.
Nagsisiksikan ngayon sa Andres Bonifacio Integrated School Gymnasium ang mga pamilyang nawalan ng tirahan.
Ang sunog ay nagsimula alas 7:55 ng gabi kagabi na umabot sa general alarm. Alas 3:24 na ng madaling araw kanina nang ito ay maapula.
Umaapela naman ng tulong ang mga nasunugang pamilya dahil karamihan sa kanila ay wala nang naisalbang gamit.
LOOK: Fire at Bgy. Addition Hills, Mandaluyong City via @kbdaenlle pic.twitter.com/9eO3Ts0o01
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) November 13, 2016
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.