Ayon sa PAGASA, tanging easterlies ang naka-aapekto sa eastern section ng bansa.
Dahil dito, bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin lamang ang iiral sa bansa at makararanas lamang ng isolated na pag-ulan.
At dahil walang sama ng panahon, sinabi ng PAGASA na mas malaking ang tsansa na matunghayan ng mas malinaw ang “supermoon” mamayang gabi.
Sinabi ni Engr. Dario dela Cruz, ang chief ng Space Sciences and Astronomy Section, matutunghayan ang pinakamalapit na lokasyon ng buwan sa ganap na alas-7:21 ng gabi.
Huling naitala ang ganito kalaking “supermoon” 68-taon na ang nakaraan o noong Enero 26, 1948.
Sa taong 2034 pa muling matutunghayan ang ganitong uri ng phenomenon.