Walang sama ng panahon sa bansa ayon sa PAGASA; “Supermoon” mas malinaw na masasaksihan

By Dona Dominguez-Cargullo November 14, 2016 - 06:19 AM

SUPERMOONWalang bagyo o Low Pressure Area (LPA) na umiiral ngayon sa loob o malapit sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa PAGASA, tanging easterlies ang naka-aapekto sa eastern section ng bansa.

Dahil dito, bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin lamang ang iiral sa bansa at makararanas lamang ng isolated na pag-ulan.

At dahil walang sama ng panahon, sinabi ng PAGASA na mas malaking ang tsansa na matunghayan ng mas malinaw ang “supermoon” mamayang gabi.

Sinabi ni Engr. Dario dela Cruz, ang chief ng Space Sciences and Astronomy Section, matutunghayan ang pinakamalapit na lokasyon ng buwan sa ganap na alas-7:21 ng gabi.

Huling naitala ang ganito kalaking “supermoon” 68-taon na ang nakaraan o noong Enero 26, 1948.

Sa taong 2034 pa muling matutunghayan ang ganitong uri ng phenomenon.

 

 

 

TAGS: Pagasa, supermoon, weather, Pagasa, supermoon, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.