Witness sa EJK, nangangamba na sa buhay

By Inquirer, Jay Dones November 14, 2016 - 03:36 AM

 

Inquirer file photo

Nagtatago na ang isa sa mga nagsilbing saksi sa senate hearing na nag-iimbestiga sa mga extrajudicial killing na nagaganap ngayon sa bansa sa pangambang maging siya ay mabiktima rin na naturang krimen.

Si Harra Kazuo, 26-anyos na isa sa mga lumantad sa senado ay asawa ni Jaypee Bertes at manugang ni Renato Bertes na namatay matapos mabaril ng mga pulis-Pasay sa loob ng himpilan ng pulisya noong July 6.

Una rito, inaresto ng mga pulis si Jaypee dahil sa umano’y pagiging tulak nito ng droga.

Sa pangambang may mangyaring masama sa kanyang anak, sumama sa himpilan ng pulisya ang ama nito na si Renato.

Gayunman, kapwa nasawi ang dalawa makaraang manlaban umano sa sa loob ng detention facility ng Pasay police anti-drugs unit.

Dahil sa kuwestyunableng pagkamatay, lumantad si Kazuo sa senate investigation on EJK’s.

Iginiit nito na walang droga na nakuha sa kanyang mister at sapilitang pumasok sa kanilang tahanan ang mga pulis nang walang warrant.

Gayunman, matapos ang kanyang paglantad, lalong lumiit aniya ang kanilang mundo.

Hindi na sila lumalabas ng bahay sa pangambang maging siya at tatlo nilang anak ay mabiktima rin ng mga mamamatay-tao.

Sa kasalukuyan, nasa ilalim si Kazuo ng Witness Protection Program ng Commission on Human Rights.

Gayunman, sa kabila aniya ng panganib na kanilang kinakaharap, desidido siyang isulong ang kaso laban sa mga pulis na pumatay sa kanyang asawa at biyenan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.