3 milyong illegal immigrants sa US, agad na ipadedeport ni president-elect Trump

By Jay Dones November 14, 2016 - 02:44 AM

 

Trump-Racist-Support-620x481Handa si US President-elect Donald Trump na simulan agad ang kanyang naunang pangako noong panahon ng eleksyon na ipapa-deport ang mga illegal immigrants na nananatili sa Amerika.

Sa ilang bahagi ng panayam ng programang “60 Minutes” kay Trump, sinabi nito na handa siyang ipa-deport o ipakulong ang nasa dalawa hanggang tatlong milyong mga iligal na namamalagi sa Estados Unidos.

Partikular niya aniyang tututukan ang pagpapakulong o pagpapalayas sa bansa ng mga taong may mga criminal records o mga miyembro ng mga gang at mga drug dealers.

Inulit din nito ang nauna niyang pahayag noong panahon ng kampanya na magtatayo ng pader sa border ng Mexico at sisingilin ang naturang bansa sa gastos sa pagpapatayo nito.

Sa ilang lugar aniya ng border, sa halip pader na bato at bakal ay bakod ang kanyang ilalagay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.