Problema sa droga, hindi sapat na dahilan para suspendihin ang writ of habeas corpus

 

Hindi sapat na dahilan ang isyu ng problema sa iligal na droga upang suspendihin ang writ of habeas corpus.

Ito ang pananaw ng ilang mga senador na kasapi ng Liberal Party sa pinalulutang ni Pangulong Rodrigo Duterte na kung sakaling tumindi pa ang problema sa illegal drugs, ay kanyang sususpendihin ang naturang pribilehiyo na isinasaad ng batas.

Ayon kina Senador Bam Aquino, Leila de Lima, Franklin Drilon at Francis Pangilinan, isang ‘safeguard’ kontra abuso ang writ of habeas corpus at isinasaad ito sa Section 15 ng Bill of Rights.

At sa ilalim pa rin anila ng naturang batas, malinaw na tanging sa panahon lamang anila ng rebelyon at invasion o pananalakay ito maaring suspendihin.

Samantala, sinabi naman ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na isang ‘hyperbole’ lamang ang pahayag ni Pangulong Duterte ukol sa suspensyon ng writ of habeas corpus.

Read more...