Mula sa unang naitalang magnutide 7.4, itinaas na rin ng mga eksperto ang magnitude sa 7.8.
Matapos ang unang pagyanig, nakaranas na rin ng sunud-sunod na malakas na aftershocks ang mga reisdente malapit sa episentro ng lindol.
Dahil sa lakas ng paggalaw ng lupa, naramdaman ang lindol hanggang sa kabisera ng New Zealand sa Wellington.
Naitala ang episentro sa layong 91 kilometro sa north-northeast ng Christchurch na tinamaan rin ng magnitude 6.3 na lindol noong 2011.
Samantala, nagpalabas na rin ng tsunami warning ang Civil Defense ng New Zealand para sa buong eastern coast ng bansa at inabisuhan ang mga residente na lumikas sa mas mataas na lugar.
Nakapagtala na rin ng ‘tidal surge’ ng hanggang sa tatlong talampakan sa North Canterbury region resulta ng lindol.
Ayon sa ialng mga dalubhasa, posibleng makaranas ng karakgdagang ‘tidal surge’ ang mga nasa coastal areas sa mga susunod na oras.