Magnitude 7.4 na lindol, yumanig malapit sa Christchurch, New Zealand

By Jay Dones November 13, 2016 - 08:06 PM

 

Mula sa earthquake.usgs.gov

Niyanig ng malakas na magnitude 7.4 na lindol ang New Zealand, dakong alas 7:02 Linggo ng gabi, oras sa Pilipinas.

Ayon sa US Geological Survey, naitala ang episentro ng lindol 90 kilometro ang layo sa South island City ng Christchurch at may lalim na sampung kilometro.

Wala namang inilabas na tsunami warning kaugnay sa pagyanig.

Sa lakas at lawak ng lindol, naramdaman ang pagyanig hanggang sa Wellington na kapitolyo ng New Zealand, may 200 kilometro ang layo mula sa epicenter.

Ilang mga residente ang napaulat na napabangon sa kanilang pagtulog matapos maramdaman ang malakas na paggalaw ng lupa.

Bagama’t may mga ulat na ng mga nagulantang na mga residente at malalakas na paggalaw ng mga bahay at struktura, wala namang ulat pa ng pagguho o casualties resulta ng lindol.

Noong 2011, tinamaan din ng malakas na magnitude 6.3 na lindol ang Christchurch na ikinasawi ng 185 katao.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.