Palasyo, nilinaw na hindi intensyon ni Pangulong Duterte ang hindi pagsipot sa panayam sa kanya ni Kris Aquino

KRIS-DUTERTENilinaw ng Malacañang na hindi intensyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi sumipot sa one-on-one interview sa TV host-actress na si Kris Aquino.

Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar, hindi nakadalo ang pangulo sa naturang interview dahil sa migraine.

Inaasahan na aniya ang presidential communications team ang panayam at maging ang PTV-4, RTVM at Radyo ng Bayan ay nakahanda na para i-cover ang guesting ni Pangulong Duterte.

Ang nakanselang panayam ay magaganap sana sa National Micro, Small ang Medium Entrepreneur’s Summit 2016 sa Davao City.

Magsisilbi rin ito sanang marka ng pagbabalik ni Kris sa TV hosting ilang buwan na ang nakakalipas simula nang umalis sa bakod ng ABS CBN.

Nabatid na sumama ang pakiramdam ni Pangulong Duterte dahil sa kanyang katatapos na official visit sa Thailand at Malaysia.

Read more...