7 Vietnamese seamen, dinukot sa Coco Island, Basilan

By Josephine Codilla-Radyo Inquirer correspondent November 13, 2016 - 12:26 PM

basilanPitong Vietnamese seamen ang dinukot habang naglalayag sa Coco Island, Basilan noong Biyernes, Nobyembre 11.

Naganap ang insidente alas singko ng madaling araw habang sakay ng MV Royal 16 bulk carrier na patungong Davao ang mga seaman.

Ayon sa ulat na natanggap ng Philippine Coast Guard, sapilitang inakyat ng mga hindi pa nakikilalang armadong lalaki ang nasabing barko.

Nakilala ang pitong dinukot na Vietnamese na sina Master Pham Minh Tuan na diumano’y sugatan; Chief Officer Do Trung Hieu; 2nd Officer Hoang Vo; 3rd Officer Tran Khac Dung; Boatswain Mate Hoang Trung Thong; Able Seaman Hoang Va Hai; at
Electrician Lai Mai Tien na sugatan din sa pandurukot.

Labindalawa katao naman ang pinalad na hindi na kinayang bitbitin pa ng mga hijackers.

Ito ay ang mga opisyal na sina Chief Engineer Nguyen Quy Ha; 2nd Engineer Nguyen Sy Nga; 3rd Engineer Hoang Ngoc Thanc; mga seaman na sina Phu Van Quyet, Vu Van Cuong, Ha Van Lam, Du Quy Dat; ang mga oiler na sina Nguy en Quang Huy; Luu Dinh Manh; Bui Manh Manh; at Tran Van Thahn ; at ang cook na si Bui Manh Tien,

Isinakay ang mga dinukot na mandaragat sa isang speedboat patungo sa hindi pa matukoy na lugar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.