Panibagong oil price rollback, asahan sa susunod na mga araw

By Mariel Cruz November 13, 2016 - 09:33 AM

PHILIPPINES-CHINA-DIPLOMACY-MARITIME-OILPosibleng muling magpatupad ang ilang kumpanya ng langis ng bawas presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na mga araw.

Batay sa oil industry, tinatayang aabot sa 90 centavos hanggang 1 peso ang pagbabawas sa kada litro ng presyo ng gasolina.

Papatak naman sa 75 centavos ang price rollback sa kada litro ng diesel.

Asahan naman na bababa sa 60 centavos ang presyo ng kada litro ng kerosene.

Ito na ang ikalawang oil price rollback ngayong buwan ng Nobyembre.

Ang nasabing oil price adjustment ay bunsod pa rin ng paggalaw ng presyuhan sa pandaigdigang merkado.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.