Tugade, ginamit ang posisyon para sa sariling interes at pagprotekta sa mga oligarch
Inaakusahan ng isang consumers’ welfare group si Department of Transportation Secretary Arthur Tugade na paggamit sa kanyang posisyon para sa kanyang sariling benipisyo at pagprotekta sa mga interest ng mga oligarch.
Ayon kay Nick Elman, secretary-general ng Road Users’ Protection Advocates (RUPA), si Tugade ay may negosyo, at ang pamilya niya ay may negosyo na transporting logistics na kung saan ay kaugnay sa mga proyekto ng kanyang departamento.
Dagdag pa ni Elman na ang mga taong nasa palagid ni Tugade ay mga malalaking opisyales ng mga malalaking kompanya.
Pinangalan ni Elman si Transportation Undersecretary Noel Kintanar, na dating Ayala Corporation liaison sa Public-Private Partnership (PPP) ng administrasyong Aquino bilang isa mga nakapaligid kay Tugade.
Iginiit din ni Elman na ang panawagan ni Tugade para sa pagkakaroon ng emergency power ay hindi para bigyan ng karagdagang kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte para resolbahin ang problema sa trapik, kung hindi para lang sa kanyang mga sariling interes.
Kaugnay nito, sinabi ni Cebu 4th District Rep. Benhur Salimbangon, chair ng transport committee ng Commission on Appointments, na dapat maghain ng pormal na petisyon ang RUPA laban sa appointment ni Tugade.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
