Philippine Navy may bago ng pinuno

Philippine NavyPormal nang naitalaga bilang bagong Flag Officer in Command ng Philippine Navy si Vice Admiral Ronald Joseph Mercado.

Si Mercado na miyembro ng Philippine Military Academy “Matikas” Class of 1983 ay siyang ring pinuno ng AFP Western Command bago ang naganap na turnover ceremony kanina.

Sinasaksihan ni Armed Forces Chief of Staff Gen. Ricardo Visaya ang pagpapalit ng liderato ng Philippine Navy sa seremonyang ginawa sa Sangley Point sa Cavite City.

Pinalitan ni Mercado ang nagretirong si Vice Admiral Ceasar Taccad na naitalaga bilang pinuno ng Philippine Navy noong August 2015.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng bagong Navy Commander na isusulong niya ang modernisasyon at pagsasa-ayos sa mga kagamitan ng kanilang pwersa.

Read more...