Publiko kinalma ng Malacañang kaugnay sa kalusugan ng pangulo

By Den Macaranas November 12, 2016 - 04:42 PM

duterte01
Inquirer file photo

Isang araw makaraang hindi siputin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang town hall session sa Davao City dahil sa migraine ay naglabas ng pahayag ang Malacañang.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na maayos na ang kalagayan ng pangulo.

Dahil sa umano’y sunud-sunod na byahe at kakulangan ng tulog kaya sumakit ang ulo ng pangulo kahapon dahilan para kanselahin ang lahat ng kanyang mga appointments.

Sa hiwalay na text message, sinabi ni Communications Sec. Martin Andanar na walang dapat ipag-alala ang publiko sa lagay ng kalusugan ni Duterte.

Normal lang umano sa isang tao ang mapagod lalo’t kung sunud-sunod ang kanyang mga public engagements.

Bago ang kanyang magkasunod na byahe sa Thailand at Malaysia ay nauna nang nagpunta ang pangulo sa Laos, Vietnam, Indonesia, Brunei, Japan at China.

Sa susunod na linggo naman ay lilipad ang pangulo papuntang Peru para dumano sa Asia-Pacific Economic Cooperation Summit.

TAGS: abella, andanar, duterte, Malacañang, migraine, abella, andanar, duterte, Malacañang, migraine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.