Mga kumpiskadong produkto isasama sa auction ng Bureau of Customs

Bureau-of-Customs1-1223Aabot sa mahigit P15 Million na halaga ng mga imported goods na nasabat ng Bureau of Customs ang nakatakdang isalang sa auction sa Novermber 22.

Ayon sa advisory ng BOC, gaganpin ang auction sa Manila International Container Port kung saan kabilang sa mga nasa auctions list ay ang mga nakumpiskang asukal mula sa Thailand, harina, mga smuggled na bags, sapatos at iba.

Ilang mga sasakyan din ang ibebenta kasama ang isang 2005 Harley Davidson softail motorcycle.

Sinabi ng BOC na walang kaukulang dokumento ang nasabing mga produkto na nakasandang isama sa auction.

Nauna dito ay nagbigay ng direktiba si Customs Commisioner Nick Faeldon sa kanyang mga tauhan na pagbutihin ang pangonglekta sa mga produktong pumapasok sa bansa.

Read more...