FVR: Pamilya Marcos dapat mag-sorry sa publiko

FVR1
Inquirer file photo

Naghayag na rin ng pagkadismaya si dating Pangulong Fidel Ramos sa desisyon ng Supreme Court pabor sa hero’s burial para kay dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Sinabi ni Ramos na dapat ring humingi ng paumanhin sa publiko ang pamilya Marcos lalo na sa mga biktima ng karahasan noong panahon ng martial law.

Pati ang mga umano’y ill-gotten wealth ay dapat na ibalik sa kaban ng bayan ayon pa sa dating pangulo ng bansa.

Ipinaliwanag ni Ramos na dahil sa desisyon ng Mataas na Hukuman ay nabalewala ang lahat ng sakripisyon ng mga sundalo, pulis at taumbayan na naging bahagi ng makasaysayang Edsa Revolution.

Ang naging pagpapatalsik umano kay Marcos noong 1986 ang siyang pinaka-mabigat na dahilan para hindi kilalalanin ang pagiging kwalipikado ng dating pangulo na maihimlay sa Libingan ng mga Bayani.

Si Ramos na dati ring namuno sa Philippine Constabulary at naging AFP Vice Chief of Staff ay isa sa mga major personality sa Edsa People Power 1.

Read more...