Mga anak ni Donald Trump kasama sa binuong transition committee

By Den Macaranas November 12, 2016 - 09:59 AM

Real estate developer Donald Trump, left, waits to be announced with his children, from left, Eric, Ivanka, and Donald Jr., during topping off festivities for the 92-story Trump International Hotel and Tower in Chicago, Wednesday, Sept. 24, 2008. Trump, commenting on the economic bailout plan at the news conference said the $700 billion plan is probably necessary because it looks like the economy is "rushing into one big depression."   (AP Photo/Charles Rex Arbogast)
AP

Pamumunuan ni U.S Vice President-elect Mike Pence ang transition team ni President-elect Donald Trump.

Bukod kay Pence, kasama rin sa executive committee na binuo ang mga anak ng bagong pangulo ng U.S na sina Ivanka, Eric at Donald Jr.

Ipinaliwanag ni Pence na nagkukumahog na rin ang kanilang grupo sa pagbuo ng mga magiging miyembro ng gabinete ni Trump.

Bukod pa dito ang halos ay 4,000 government positions na kanilang kailangang punan sa lalong madaling panahon.

Tiniyak rin ng grupo ni Pence na magiging maayos ang pag-upo ni Trump sa White House sa January 20, 2017.

Bumabalangkas na rin ang ilang mga kaalyadong mambabatas ni Trump ng ilang mga hakbang para maipatupad ang kanyang mga ipinangako noong eleksyon.

Kabilang dito ang pagpapababa sa binabayarang buwis ng mga professionals, mahigpit na immigration policy at ang pag-repeal sa kontrobersiyal na Affordable Care Act na mas kilala sa tawag na Obamacare.

Mahigpit din ang seguridad na ipinatutupad sa Trump Tower sa New York dahil sa patuloy pa rin itong dinagdagsa ng mga ralyista na tutol sa kanyang pagkapanalo bilang bagong panalo.

Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy pa rin ang mga kilos-protesta sa iba’t ibang mga lugar sa U.S na nagsimula nang mag-concede kay Trump ang kanyang nakalaban sa halalan na si Hillary Clinton.

TAGS: donald trump, mike pence, President, U.S, donald trump, mike pence, President, U.S

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.